MUNTIK KO NANG NAKITA ANG BINARIL NA LALAKI SA DAAN:Alam naman natin diba na sa June 10, 2009 nakatakda ang pag-rally ng mga tao tungkol sa Con-Ass. Pero ang naganap dito sa amin (Dumaguete City) ay nauwi sa isang madugong protesta, ikanga sa isang reporter ng local news. Papunta na kasi ako sa paaralan ng bunso ko. Tapos hayun, ang daan papunta doon ay biglang nag-traffic. Narinig ko nalang ang isang lalaki na nagsabi na may binaril daw sa may unahan. Hmmmm. May binaril. Waw amazing yun ah. Sana na-witness ko ang on-the-spot-shot na kaganapan. Pero hindi eh. Kaya hayun, sabi ng babae na kasama ko sa tricycle driver na umikot nalang daw kami at dadaan sa kabila dahil bumibigat na ang traffic. Pero naks naman si Manong, dutdot ng dutdot parin sa mga nagsisiksikang tricycle para lang makita ang patay. Klaro naman sa mukha nya eh kasi parang magiging giraffe na siya sa pag-stretch ng neck niya habang nagmamaneho.
hala. dutdot. dutdot. Parami ng parami ang mga tao sa kalye at dumarami na rin ang mga pulis. Nakita ko ang car ng ABS-CBN at yung lalake na may camera. Hmmmm. Sana man lang nakuha ako sa video na sumasakay sa tricycle at panay ang text na nagbabalita sa ibang tao tungkol sa nangyari. haha. Pero malabo na yun.
Hayun, dutdot ng dutdot hanggang... parang naging katabi ko na yung patay. :( Toinks. Siyempre hindi ko tiningnan, panay text parin ako. Hindi naman talaga makikita totally kasi marami nang tao ang naka-crowd sa patay. Pero nakakainis yung tricycle driver eh. Sabi niya "Hala ayun oh! Naka-green." Naku, parang gusto ko siyang sapakin. Takot kasi ako sa mga patay eh.
Nakita ko yung mga pulis nakapalibot din sa lugar at hmmmm. parang ang sarap nila. barakong barako. May ibang pulis kasi bata pa at medyong may mukha. Hindi naman gwapo pero may mukha lang. hahaha.
Dutdot. Dutdot. At sa wakas nakalabas na rin sa ma-traffic na lugar at nakarating na ako sa paaralan ng little sis ko. =) Naks naman, alam din niya ang balita. Akalain mo, ang 9 years old kung bunso nagsabi "Ate, may binaril daw. Nakita moh?" haha. grabeh niya noh. interesado rin sa mga ganyan. Nung bata pa ako, kapag may ganyan hindi na ako nakikinig. haha.
Hayun, para ako ng tricycle pauwi kasama ang bunso ko at parehong daan ang dinaanan katulad sa nabanggit ko kanina pero hindi na ma-traffic. Wala nang uchiserang mga tao, mga barakong pulis at yung media na sana man lang nakasama ako video. haha. wala lang. Pero nakito ko ulit yung lugar kung saan bumagsak yung tao. Siyempre wala na siya dun pero andun parin yung mga dugo niya. Yaks. =))
Kung nanonood ka mang ng TV Patrol World tiyak narinig mo na ang taong binaril dito sa Negros Oriental. At ito yung sinasabi ko. :)